Kapamilya stars magbabahagi ng blessings

MANILA, Philippines - Pasasayahin ng ASAP 18 ang Kwento ng Pas­ko ng mga Kapamilya ngayong Linggo (Disyembre 22) sa ika-apat na ASAP Gives Back dahil pasa­sayahin ng Kapamilya stars ang kanilang chosen charities kabilang ang Yolanda survivors na pansamantalang naninirahan sa Tent City sa Villa­mor Airbase sa Pasay City, mga kabataang nasa DSWD-Jose Fabella Center sa Mandaluyong City, at ang isang pamilya sa Albay na muling pagbubuklurin.

Abangan din ang iba’t ibang Kwento ng Pag-asa at Pagbangon sa paglalakbay ng ASAP Kapamilya sa mga probinsyang hinagupit ng kalamidad nga­yong taon kabilang ang Bohol, Zamboanga, at Tac­loban.

Bukod sa pagbabahagi ng blessings ng Kapa­mil­ya stars, gagawing mas masaya ang early Christ­mas celebration ng TV viewers sa handog na sorpres­a ng cast members ng 2013 Metro Mani­la Film Festival (MMFF) na sina Vice Ganda, Ki­ray Celis, Xyriel Manabat, JM Ibañez, at Red Bustamante ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy; Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Shaina Magdayao, Michelle Vito, Dominique Roque, Miles Ocampo, CJ Navato, at Paulo Avelino ng Pagpag: Siyam na Buhay; at sina Eugene Domingo at Sam Milby ng Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel.

Kakaibang sweetness at kilig naman ang ihahatid ng upcoming Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home  lead stars na sina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga kasama ang dalawa sa pinakasikat na love teams sa bansa na sina Daniel at Kathryn, at Kim Chiu at Xian Lim.

Doble-dobleng kasiyahan ang matutunghayan sa  ASAP 18 center stage sa special production numbers ng celebrity siblings na sina Enchong at Angie Dee, John at Raffy Prats, Maja at Jessilyn Salvador, Sam at Gabby Concepcion, Jessy at Pam Mendiola, at sina Nikki at Dani Gil.

Samantala, saksihan ang isa na namang world-class performance mula kay Mr. Pure Energy Gary Va­len­ciano kasama ang kanyang mga anak na sina Paolo at Gab sa segment niyang With Love, Gary V. 

 

Show comments