First time pala magdi-distribute ng produced movie ng film company niyang Quantum Films si Atty. Joji Alonso at pambuwena mano niya bilang distributor ang Instant Mommy nina Eugene Domingo at ng Japanese actor na si Yuki Matsuzaki.
Aminado si Atty. Joji na sobra siyang kabado dahil sobrang risky ang gagawin niya lalo’t walang TV network na sumusuporta sa kanya. On the other hand, excited siya dahil bago sa kanya ang maging film distributor.
Grateful si Atty. Joji kay Eugene na pumayag gawin ang movie at kay Yuki na sobrang passionate at pumayag bumalik ng Pilipinas para makatulong sa promo ng Instant Mommy na showing sa August 28 in 50 theaters.
Pinuri rin ni Atty. Joji si Yuki dahil walang arte, walang demands at very passionate sa trabaho. Sila na ang nagkusang bigyan ito ng special treatment at pinangakuang dadalhin sa Misibis Bay. Dollars ang talent fee ni Yuki na hindi na sinabi kung magkano. Basta sabi ni Atty. Joji, “embarrassing.â€
Ibinalita pala ni Atty. Joji na after Instant Mommy, sunud-sunod ang commercial run ng mga pelikulang produced din niya at naipalabas sa 2013 CineÂmalaya.
Una ang Diplomat Hotel na showing sa September 4 at sunod ang Babagwa na showing sa Sept. 18. Ang alam namin hindi si Atty. Joji ang producer ng Sana Dati, pero tutulungan niyang magkaroon ng commercial run sa Sept. 25. Kailangan daw ipalabas ang mga nabanggit na pelikula habang hindi pa laos sa tao.
Ipinaliwanag din ni Atty. Joji kung bakit may R-16 at R-18 versions ng Babagwa. Ang R-16 ay sa SM cinemas ilalabas at wala ang frontal nudity nina Alex Medina at Chanel Latorre at ang eksenang tumilamsik ang semen ng karakter ni Alex sa PC at keypad ng computer. R-18 version ang ipinalabas sa Cinemalaya.
Ryan iba’t ibang tema ang gusto
Nakausap namin si Ryan Eigennmann sa presscon ng Pyra Babaing Apoy at ipinakuwento namin sa kanya ang buong pangyayari nang hindi siya payagan ng outlet ng Jollibee sa may Petron sa C5 na mag-charge ng kanyang phone.
Last Tuesday ito nangyari, kasagsagan ng habagat at galing sa taping ng Pyra ang aktor. Dahil sa trapik namatay ang phone niya at ‘di makatawag sa asawa para sabihing natrapik siya. Pinababa niya ang driver para makiusap kung puwede siyang maki-charge ng phone kahit 10 minutes lang.
Hindi pumayag ang clerk dahil managerial policy daw ‘yun at baka mawalan ng trabaho ang clerk. Ang kay Ryan lang, time of emergency ‘yun at sana pinayagan siya, pero naiintindihan niya ang sales clerk at hindi na siya nag-insist.
Anyway, gusto ni Ryan ang Pyra dahil sa iba’t ibang tema. May fantaserye, drama at teenage love story. Gusto niya ng laging bago ang ginagawa at kung may chance, gusto niyang gumawa ng action at project tungkol sa vampire.
Sa Monday, after Maghihintay Pa Rin ang pilot ng Pyra Babaing Apoy sa direction ni Roderick Lindayag.
Pelikula nina Tom at Carla, uumpisahan na
This Saturday na ang storycon ng Regal Entertainment movie na pagtatambalan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Ang unang sinabing title ng movie nila ay Just The Way You Are, pero ang latest, Let’s Take a Chance na raw at kasama na sa cast si JC de Vera.
Si Jun Lana pa rin ang director ng movie ng daÂlawa na sumikat sa GMA 7 hit serye na My Husband’s Lover. Mas kilala sila sa TomCar love team at natutuwa ang fans ng kanilang tambalan na after the series, may movie ng dalawa silang aabangan.
Samantala, si Gil Tejada Jr., pala ang director ng My Husband’s Lover ngaÂyon dahil nasa bakasyon pa rin si direk Dominic Zapata.
Also, labas na ang DVD copy ng My Husband’s Lover.