Hindi raw sumagi sa isip ni Jessy Mendiola ang pag-aartista noong bata pa siya. Naisipan lamang pasukin ng dalaga ang showbiz para makatulong sa kanyang pamilya. “Noong bata kasi ako, ako ’yung tipong parang ayoko ng atensiyon na may sinasabi lahat. Very private ako, reluctant talaga ako, mahiyain ako. Talaga naisip ko sa summer lang ’yang nag-a-acting workshop ako. Noong na-realize ko rin in the long run, ’di ba malakas kumita kapag artista? So, hindi naman sa pagmumukhang pera pero I’ll be honest here so, sabi ko, ‘Noodles ang kinakain namin so baka makatulong ako sa nanay ko.’
“So, tinanggap ko ang pag-aartista noong tumaÂgal na, noong marami ng projects ang nagawa ko, may mga times na gusto ko nang mag-give up kasi ang hirap pala. Sobrang hirap kasi ang dami mong kasabay, noong nabigyan na ako ng projects na magaganda ’yung role, sabi ko, ‘Ay! Gusto ko na ito.’ Naging comfortable na ako,†kuwento ni Jessy.
Ilang taon na rin ngayon ang akres sa industriya kaya malaki na rin ang nabago sa kanyang pagkatao nang dahil sa trabaho.
“Sobra pong nabago. As myself, nabago ’yung pagiging tago ko. Nagsasabi na lang ako kung ano’ng gusto ko sabihin. ’Yung confidence na-gain ko siya. In real life nagiging open ako, nakikilala ko na kung sino ako. Before lagi akong nagtatago, parati akong nawawala, parang ngayon alam ko na kung ano ’yung gusto kong gawin,†paliwanag ng young actress.
Juday ayaw na sa kuning-kuning na barilan sa serye
Mamayang gabi na magwawakas ang teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala. Hindi raw pinagsisisihan ng bidang si Judy Ann Santos na naging bahagi siya ng isang magandang proyekto katulad ng ginawa niyang drama series.
“Sa mga teleseryeng nagdaan halos wala namang adbokasiyang pinapakita sa mga tao kundi magpatulo ng luha, ’pag minsan magpakilig or magalit ang mga viewer. Sa pagkakataong ito, maiba naman,†pahayag ni Judy Ann.
Mas magiging mapili na ang aktres sa pagpili ng kanyang mga gagawin pang proyekto.
“Tapos na po ako sa paggawa ng pelikulang tweetums. Tapos na po ako sa paggawa ng pelikula na kuning-kuning na bumabaril ka. Oras na para magbigay ng makabuluhang teleserye, makabuluhang proyekto,†giit ni Juday.
“Gusto ko paglaki ng mga anak ko, ’pag napanood nila ito, magiging proud sila sa akin na may pinaglaban ako. ’Yun ang Huwag Ka Lang Mawawala kasi nabigyan ko dito ng lakas ng loob ang mga kababaihan na ipaglaban ang mga karapatan nila.â€
Samantala, noong Miyerkules ay naging abala ang buong grupo ng nasabing serye sa pangunguna nina Judy Ann, KC Concepcion, at Sam Milby sa pagbibigay-tulong para sa ilang mga lugar na nasalanta ng matinding pagbaha partikular na sa Taguig at Cavite. Reports from JAMES C. CANTOS