Isay parang walang leukemia pag nagpe-perform
Bibilib ka rin kay Isay Alvarez na kahit alam mong may mabigat na dinaramdam ay parang walang anuman kung mag-guest sa TV para sa proÂmosÂyon ng ginagawa niyang musical na Katy. InaÂmin kamakailan si Isay na meron siyang leukemia, stage 1.
Hangang-hanga ako sa kanya dahil buhay sa kanya ang kasabihang “the show must go onâ€. Ang galing-galing pa rin niyang mag-perform bilang Katy dela Cruz na marami sa inyo ay hindi na inabutan pero isa sa pinakamagaling nating performer nung araw.
Mabuhay ka, Isay!
Aga mas alam ang kaaway sa showbiz
Meron bang ibang choice si Aga Muhlach kundi ang mag-move on sa naging resulta ng kanyang unang pagsabak sa pulitika na masasabing hindi naging maganda? Isa ’yung leksiyon na sigurado akong hinding-hindi niya makakalimutan habang siya ay nabubuhay.
Oo naman. Mag-showbiz na lang siyang muli. Mas masaya ang buhay ng mga artista kaysa mga pulitiko. Sa showbiz alam mo kung sino ang kalaban mo, kung mayron man. Pero sa pulitika, patay ka na bago mo maramdaman na may gustong pumatay sa iyo.
PaGpo-produce ng pelikula makakatulong kay Bistek
Maganda ’yung trailer ng Raketeros na pinrodyus ni Mayor Herbert “BisÂtek†Bautista. Nakitang muli sina Andrew E., Long Mejia, at Dennis Padilla na matagal na ring absent sa big screen. Sana sumama na rin si Randy Santiago sa movie, kahit na siya pa ang direktor, para malubos na ang kasiyahan ng mga manonood ng pelikula.
Nakakatawa ’yung mga eksena ng mga magkakaibigang artista na parang nagkaroon ng reunion sa pelikula, gaya nina Ogie Alcasid at Bistek.
Ang paminsan-minsang pagpoprodyus ng pelikula ay hindi naman siguro makakaapekto sa trabaho bilang mayor ni Herbert ng isang napakalaking lungsod. Baka magsilbi itong therapy pa niya sa kanyang napakahirap na trabaho. Nakakapagbigay pa siya ng work sa maraming manggagawa ng pelikula na naliÂmiÂtahan, kundi man nawala ang kita, dahil sa pagkonti ng ginagawang pelikula.
- Latest