^

Punto Mo

Tres Queridas (70)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

LUMAPIT sina Celeste at Diana sa likod ng hacker. Unti-unting nag-zoom ang satellite map hanggang sa lumitaw ang eksaktong kalye, gusali, at coordinates kung saan ang lokasyon ni Carlo. Isang pribadong marina warehouse sa kahabaan ng Manila Bay, ilang kilometro lang ang layo mula sa kanila. Isang malamig na ngiti ang unti-unting sumilay sa mga labi ni Celeste habang nakatitig sa pulang tuldok sa screen.

“Tapos na ang pagtatago, Carlo,” bulong ni Celeste, ramdam ang bigat ng baril sa kanyang kamay. “Kami naman ang papunta sa ‘yo.”

***

TAHIMIK na umuusad ang itim na van sa kahabaan ng Roxas Boulevard patungong Manila Bay. Sa likuran, maingat nang ikinakasa ng security team ang kanilang mga kagamitan matapos mailipat si Arthur sa hiwalay na sasakyan upang iturn-over sa mga awtoridad.

Nakaupo si Celeste sa tabi ng bintana, nakatanaw sa mabilis na pagdaan ng mga ilaw sa kalsada hanggang sa biglang umilaw at nag-vibrate ang kaniyang pribadong telepono.

Dr. Mendoza Calling. Mabilis na pinindot ni Celeste ang accept at itinapat ang cell phone sa kanyang taynga. “Dok?”

“Celeste, makinig ka,” malinaw at kalmado ang boses ng personal na doktor ng kanyang ama sa kabilang linya. “Naibigay na namin ang tamang lunas at naagapan ang epekto nito sa puso ng daddy mo. Stabilized na ang vitals niya ngayon. Ligtas na siya sa panganib.”

“Salamat, Dok,” sabi ni Celeste, bahagyang lumambot ang boses. “Huwag n’yo pong aalisin ang lockdown sa palapag hangga’t hindi ako nakakarating diyan.”

“Makaaasa ka, Celeste. Mag-iingat ka.”

Matapos mag-­usap, marahang isinandal ni Celeste ang ulo sa headrest. Sa tabi niya, tahimik na tumango si Diana, isang payapang pagkilala na ligtas na ang pinakamahalagang tao sa buhay ng kaibigan. (Itutuloy)

TRES QUERIDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with