Oslob police sa Cebu, nagpabaya sa kaso ng rape victim!
MERRY Christmas mga kosa!
• • • • • •
Ipinalit ng apat na kalalakihan ang panandaliang kasiyahan sa habambuhay na pagkabilanggo. Ang tinutukoy ko mga kosa ay ang kaso ng 15-anyos na dalagita na namiyesta lang subalit nilasing ng mga suspects at pinilahan. Tsk tsk tsk! Ang masakit pa, namatay ang biktima at pinaimbestigahan ito sa ngayon ni CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre III dahil kaduda-duda ang ginawang dahilan na nagpakamatay siya.
“Pinahalukay ko sa mga tauhan ko ang resulta ng cause of death at pinare-autopsy ko ang bangkay sa ating chemist para malaman ang tunay na dahilan,” ayon kay Torre. “Pati ang lokal na pulisya ay pinaimbestigahan ko rin dahil mukhang may lapses na nangyari sa pag-handle nila ng kaso,” ang dagdag pa ni Torre. Dipugaaa! Hehehe! May tatamaan ng lintek dito sa imbestigasyon ni Torre, no mga kosa?
Ayon kay Torre, ang 15-anyos na biktima, kasama ang 13-anyos na kaibigan ay sumadya at namiyesta sa Oslob town sa Cebu noong December 9 at nakilala nila ang anim na kalalakihan. Dahil nga Oslob Grand Fiesta Celebration, nagkaroon ng inuman at kasayahan.
Matapos malasing ang biktima, dinala ito ng mga suspects ito sa loob ng isang bahay. Hanggang pinilahan ito ng mga kainuman. Araguyyy! Ayon kay Torre, ang 13-anyos na kasama ng biktima ay iniwan ng mga suspects sa labas at siya sa ngayon ang pangunahing saksi sa kaso.
“Nagpaiwan sa labas ang kasama na 13-anyos. Pero alam n’ya na ang mga suspects at biktima ay nasa loob ng bahay,” ang pahayag pa ni Torre. Tsk tsk tsk! Ang sakit sa bangs nito.
Sa pag-uwi ng biktima sa kanilang bahay sa Sitio Nailong, Bgy. Hagdan, Oslob napansin ng nanay na malungkot ito at panay iyak. Kinumpronta ng nanay ang biktima pagkaraan ng pangalawang araw at inilahad nito ang gang-rape sa kanya. Sinamahan ng nanay sa Oslob police ang biktima para magreklamo subalit sinabihan sila na magpa-medical muna.
Mukhang hindi nakayanan ng biktima ang kamalasang sinapit niya kaya’t nagpakamatay ito? Tsk tsk tsk! Kaya lang ang nakalagay sa death certificate ng biktima ay food poisoning. Ano ba ‘yan!
Ang kaso ay nabaon na sana sa limot subalit na-media ito at nakarating sa kaalaman ni Torre, na kaagad inutusan si Col. Cris Bermudez, ng CIDG Regional Field Unit 7 na halukayin ang kaso. Sa tulong ng 13-anyos na kasama ng biktima, at mga CCTV footages, inaresto ni Bermudez sina alyas Luis, Cyrill, Tristan at Kent sa Bgy. Casay Dalaguete, Cebu. Ayon kay Torre kalaboso tiyak itong apat. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ayon kay Torre inihanda na ng CDIG RFU7 ang kasong statutory rape at homicide laban sa apat na suspects. “By arresting these accused, we can bring justice to the victim’s family,” ani Torre. “We will further intensify our program to provide citizens with a safe and orderly community. We urge the public to remain vigilant and report any information that may assist the ongoing investigation.” ang dagdag pa ni Torre.
Dapat lang sigurong maparusahan din itong Oslob police sa kanilang kapabayaan sa kaso. Ano sa tingin mo PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil Sir? Abangan!
- Latest