^

Punto Mo

Manyak na police colonel, inireklamo ng tauhan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

May manyakis na opisyal ng Philippine National Police na inakusahan ng acts of lasciviousness ng kanyang tauhan. Dumarami na ang manyak na opisyal ng PNP ah. Ano ba ‘yan?

Sori na lang itong si Col. Lavis Camdas, ang hepe ng Regional Maritime Unit ll sa Cagayan, dahil t’yak tatamaan s’ya ng kidlat ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, di ba mga kosa? Mismooooo!

Hindi magsasawa si Marbil sa pagkumpas ng kamay na bakal n’ya sa pangakong lilinisin n’ya ang kanilang hanay ng mga tinatawag na scalawag cops. Dipugaaaaa! Si Camdas, ay miyembro ng PNPA Class ’98, ang klaseng pinakamarami sa ngayon sa hanay ng PNP.

Hindi mapapansin kung ma-dismiss itong si Camdas dahil sa sobrang dami nila. Dapat ‘wag pamarisan itong si Camdas. Ano pa nga ba? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang maganda lang sa panahon ni Marbil, tumatapang na ang mga biktima ng pang-aabuso ng mga manyak na opisyal ng PNP. May tiwala sila sa liderato ni Marbil? T’yak ‘yun, di ba mga kosa?

At magandang halimbawa itong ipinakita ni Pat. Sheena Mae Coballes, 26, nang pangatawanan n’yang ireklamo ang kabulastugan na ginawa ni Camdas sa kanya. Kaya sa mga biktima ng mga manyakis na pulis d’yan, tularan n’yo si Pat. Coballes at tiyak sa kangkungan dadamputin ang aabuso sa inyo. Anong sey mo Gen. Marbil Sir? Tsk tsk tsk!

Lagot ka ngayon Col. Camdas Sir, na tubong Tuba, Benguet. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon sa report ng pulisya sa Lallo, Cagayan, pumunta ang biktima sa opisina ni Camdas, na hepe niya sa RMU11, bandang 8:40 a.m. noong October 28 para sabihin dito na mayroon siyang urgent zoom meeting.

Inutusan kaagad ni Camdas ang biktima na i-set up ang kanyang laptop para maka-attend siya nito. Sa puntong ito, pumasok si Camdas sa kanyang bedroom. Ilang sandali pa, lumabas na si Camdas at sinabihan siya ng biktima na ready na ang zoom meeting niya.

Sa ganitong punto nang mapansin ng biktima na titig na titig sa kanya si Camdas na may halong malisya. Sanamagan!

Bigla na lang hinawakan ni Camdas ang kanyang mga kamay, ayon sa biktima, at niyapos siya, hinaplos at inamoy ng dalawang beses ang kanyang buhok. Sumigaw ang biktima at itinulak si Camdas subalit hinigpitan pa ng police official ang pagkahawak sa kanya sabay takip ng kanyang kamay sa bibig ng una.

Pinilit din ni Camdas na halikan siya sa lips, ayon sa biktima, subalit pumiglas siya at ang bibig ni Sir ay tumama sa noo. Nakahulagpos sa yakap ni Camdas ang biktima at tumakbo palabas ng opisina. Ang insidente ay inireport ng biktima sa Lallo police bandang alas 11 ng gabi kinabukasan. Ang sakit sa bangs nito!

Sa kanilang assessment, sinabi ng Lallo police na maliwanag pa sa sikat ng araw na may nangyaring paglabag ng Art. 336 of the Revised Penal Code sa kasong isinampa ni Coballes. Mismooooo!

Kaya nararapat lang sibakin na ni Marbil si Camdas para hindi na s’ya pamamarisan pa. Ang kaso ni Camdas ay wala pang halos isang buwan nang sibakin ni Marbil ang anim na opisyales ng PRO12 matapos ang isa sa kanila ay inakusahan na naglasing at pinatungan ang police trainee. Abangan!

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with