^

Punto Mo

EDITORYAL - Isiwalat lahat ang tungkol sa ‘reward system’

Pang-masa
EDITORYAL - Isiwalat lahat ang tungkol sa âreward systemâ

MARAMING napamaang sa “reward system” na inilahad ni dating police colonel at PCSO general manager Royina Garma noong Oktubre 11 sa House quad committee. Ayon kay Garma, may kaukulang “pabuya” na P20,000 hanggang P1 milyon sa mga pulis na makakapatay ng drug suspect. Iyon ay utos umano ni dating President Rodrigo Duterte. Kung saan galing ang pondo, hindi niliwanag ni Garma. Sapantaha naman ng mga mambabatas, galing ang pondo sa “intelligence fund” ni Duterte.

Dahil sa ibinunyag, lumakas ang hinala na kaya lumobo ang mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs) ay dahil sa reward system. Mahigit 6,000 ang napatay sa drug operations ng mga pulis nang simulan noong 2016 sa ilalim ng pamumuno ni dating PNP chief at ngayo’y senador Ronald “Bato” dela Rosa. Sinabi naman ni Dela Rosa na wala siyang alam sa “reward system”. Ipatatawag ng quad committee si Dela Rosa. Sabi ni Dela Rosa, dadalo siya kung may sapat na ebidensiya.

Marami pang personalidad na sinabi si Garma kaugnay sa war on drugs ng Duterte administration. At nang tanungin ito ng mambabatas kung ano ang nag-udyok at nagsasalita na sa madugong war on drugs ng Duterte administration, sinabi ito na nais niyang manaig na ang katotohanan. Panahon na raw aniya para magkaroon ng katahimikan at para na rin sa mga anak.

Sabi ng isang mambabatas, ang mga siniwalat ni Garma ay maituturing na “tip of the iceberg” lamang. Katiting pa lamang umano ang mga sinabi nito sa House quad committee. Sabi ni Zambales Representative Jefferson Khonghun, nanggaling mismo ang pagsisiwalat sa dating malapit kay Duterte at maaaring mayroon pang mga ilalahad kaugnay sa laban kontra droga at iba pa.

Sabi naman ng isang kongresista na kabilang sa quad committee, dapat sabihin na lahat ni Garma ang nalalaman. Ilahad na niya lahat at hindi na dapat pang itago.

Maaring marami pa ngang pasasabugin si Garma sa mga susunod na pagdinig. Ipagpatuloy naman ang pagtatanong ukol sa reward system sa mga pulis sapagkat ito ang magiging susi sa lahat nang nangyaring EJKs sa bansa. Pigain pa si Garma ukol dito.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with