^

Punto Mo

‘Sementeryo’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 4)

“SAAN kayo kumakain?” tanong ko kay Ruben.

“May mesa kaming ipinapasok dito sa loob. Kung minsan, diyan sa ibabaw ng nitso kami nagpapatong ng plato at iba pa. Naka-tiles naman.’’

Napangiti ako.

Mayroon silang refrigerator at TV. Ikinuha ako ni Ruben ng malamig na softdrink.

“Uminom ka muna. Alam ko nauhaw ka dahil malayo rin ang nilakad natin.’’

Uminom ako. Sarap ng softdrink. Malamig.

Binuksan ni Ruben ang TV at nanood kami ng programa.

Maya-maya, magkasunod na dumating ang ama at ina ni Ruben. Ipinakilala ako. Mabait ang parents ni Ruben. Maya-maya dumating ang kapatid na bunso ni Ruben.

Nang mag-alas sais ng gabi, bumuhos ang malakas na ulan. Walang tigil. Hanggang mag-alas siyete.

“Dito ka na matulog,’’ anyaya sa akin ni Ruben. “Palagay ko baha na sa dadaanan mo.’’

Hindi ako makasagot.

(Itutuloy)

SEMENTERYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with