^

Punto Mo

EDITORYAL - Sampolan ang agri smugglers!

Pang-masa
EDITORYAL - Sampolan ang agri smugglers!

NILAGDAAN ni President Ferdinand Marcos Jr. noong Huwebes ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. Ang batas na ito ang hahabol sa smugglers ng agricultural products na labis na nagpapahirap sa mga lokal na magsasaka, mangingisda at taumbayan. Dahil din sa smugglers, malaki ang nawawala sa kaban ng pamahalaan. Sa ilalim ng batas, habambuhay na makukulong ang mapapatunayan at pagmumultahin ng limang ulit ayon sa halaga ng smuggled products.

Eksakto ang batas sapagkat sa panahong ito dumadagsa ang smuggled agri products na kinabibilangan ng sibuyas, carrots, frozen na karne ng baboy at iba pa. Tuwing “ber” months dumadagsa ang smuggled na mga gulay at maski bigas at asukal. Itinataon ng smugglers sapagkat papalapit na ang holiday season.

Noong nakaraang buwan, nakasamsam ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ng 300 tonelada ng smuggled na gulay nang salakayin ang dalawang malalaking bodega sa Navotas City. Ang isa sa mga bodega ay naglalaman ng 132.75 tonelada ng puting sibuyas na nagkakahalaga ng P21.2 milyon, samantalang ang isa pang bodega ay may laman na 89.89 tonelada ng carrots na nagkakahalaga ng P13.48 milyon. Bukod sa sibuyas at carrots, nakakumpiska rin nang maraming kamatis at mushrooms.

Ang pagdagsa ng smuggled na sibuyas, ay nagpapaalala sa shortage ng sibuyas noong 2022 kung saan umabot sa P700 ang bawat kilo. Itinago ng mga gahamang negosyante ang sibuyas at inilabas nang magkaroon ng shortage at itinaas ang presyo. Umaray naman ang mga local na magsasaka ng sibuyas sa pagdagsa ng imported na sibuyas. Maraming magsasaka ang nalugi. Inagawan sila ng kabuhayan dahil sa kagagawan ng mga salot na smugglers.

Sa pagdagsa ng agri products, naghatid naman ng pagkabahala ang mga nakatenggang bigas sa mga pantalan. Hanggang ngayon, nananatili pa sa mga pantalan ang 23 milyong sako ng bigas na nasa 900 containers. Maraming nag-iisip na kaya hindi kinukuha ng importers ang bigas ay sapagkat balak i-hoard at kapag mataas na ang presyo sa palengke ay saka nila ilalabas. Maski ang taga-Philippine Port Authority (PPA) ay ganito rin ang hinala.

Minsan nang sinabi ni President Marcos Jr. na hahabulin at pagbabayarin ang mga smugglers ng agri products. Ang mga ito ang sumasabotahe sa ekonomiya at nagpapahirap sa mga lokal na magsasaka ng gulay.

Sampolan ang mga salot na smuggler ng agri ­products. Nararapat nang maputol ang kanilang masamang gawain. Matutuwa ang mamamayan kung may itatapon na smugglers sa kulungan at doon na mabubulok.

SMUGGLING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with