Mga magsasaka sa China, nakagagawa ng mga patolang may kakaibang hugis at anyo

NAUUSO ngayon sa mga magsasaka sa China ang paggawa ng mga patolang may iba’t ibang hugis o anyo. Gamit ang isang bagong imbensyon, nagpapatubo sila ng mga bunga ng patola at saka hinuhulma sa gustong hugis o anyo na kanilang gusto.

Dahil sa bagong imbensyon, marami nang mga patola sa China ang may kakaibang hugis. Nandiyan ang mga patolang kamukha ni Buddha, Santa Claus, Mao Zedong, at pati si Hesu­kristo.

Nagsimula ang pagpapatubo ng mga patolang may kakaibang hugis nang minsang may makausap na Buddhist monk ang isang nagpapatubo ng patola na si Xie Lyu Zhi. Ikinuwento sa kanya ng monghe na nanaginip siya minsan ng isang patola na may hugis ng imahe ni Buddha.

Tumatak naman sa isip ni Xie ang kuwento sa kanya ng monghe kaya pag-uwi, naisip niyang gumawa ng isang plastic container na ibabalot sa mga tumutubong patola upang mahulma ang hugis ng mga ito habang sila ay tumutubo.

Noong una ay mga hugis lamang ni Buddha ang mga plastic na hulmahang ginagawa ni Xie ngunit ngayon ay napakarami nang ibang hugis na puwedeng pagpilian ang mga nagpapatubo ng patola.

Pumatok sa China ang imbensyon dahil suwerte umano para sa mga Tsino ang mga patolang may kakaibang hugis.

Show comments