^

Probinsiya

‘Pahiyas’ barya na, nakaukit sa P100

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
‘Pahiyas’ barya na, nakaukit sa P100

LUCENA CITY, Philippines — Opisyal nang isinama ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang tanyag na Pahiyas Festival ng Lucban, Quezon sa kanyang espesyal na koleksyon ng 100 Piso Commemorative Coin Series, bilang pagkilala sa mayamang kultura at pamana ng lalawigan ng Quezon.

Ang baryang pilak ay bahagi ng seryeng binubuo ng 12 piraso, kung saan tampok ang iba’t ibang makasaysayang lugar at kapistahan sa bansa na nag-aambag sa pag-unlad ng turismo at sining ng Pilipinas. 

Ang disenyo ay simbolong tumatatak sa bawat bisita: ang makukulay na kiping, dalawang ­arangya, at bilao na puno ng sariwang prutas at gulay. 

Hindi lamang isang kapistahan ang Pahiyas, kundi buhay na patunay ng pananampalataya, pagkakaisa, at husay ng mga mamamayan sa ­sining at kabuhayan.

Ang 100 Piso Pahiyas Commemorative Coin ay mabibili sa halagang P5,000.00 bawat isa sa pamamagitan ng BSP Online Store.

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with