Cooking pancit contest, inilunsad sa Cuyapo

MANILA, Philippines — Inilunsad ang pancit cooking contest preliminary round sa bayan ng Cuyapo, Nueva Ecija sa pamumuno ng masipag at butihing Mayor na si Jose S. Hidalgo Jr..kamakailan.
Ang nasabing pancit cooking contest ay upang ipakita ng bawat baranggay at distrito ang iba’t ibang talento sa pagluluto ng pansit na tatawaging Pancit Ablaw.
Bawat lutuin ay may dala-dalang kuwento ng kultura na maipagmamalaki sa bayan ng Cuyapo na patimpalak na isinagawa kamakilan ng punong abala ng municipal tourism head na si Ms. Marianne Deseree Mendoza ay layuning hindi lamang nagtatampok ng masarap na putahe, kundi higit sa lahat ay ang pagbubuklod sa mga taga Cuyapo, Nueva Ecija at kikilalanin ang Pancit Ablaw na mapasama iba’t ibang luto ng pancit sa Pilipinas.
- Latest





















