^

Probinsiya

Multicab vs van: 2 patay 17 sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Multicab vs van: 2 patay 17 sugatan
Map of Misamis Oriental
STAR/ File

COTABATO CITY, Philippines - Dalawang sakay ng isang multicab ang namatay sanhi ng aksidenteng kinasangkutan ng kanilang sasakyan at isang pampasaherong van na sinasakyan ng mga basketball players sa Barangay Buko sa Kinoguitan, Misamis Oriental nitong hapon ng Huwebes.

Sa ulat ni Captain Eugene Zambrano, Kinoguitan municipal police chief, ang aksidente ay nagsanhi sa agarang pagkamatay nina Joselito Baclayon at Joni Tedlos na magkasama sa isang multicab, patu­ngo sa kung saan, nang ito at isang pampasaherong van ay nagsalpukan sa isang bahagi ng highway sa Barangay Buko.

Lumagpak ng patagilid sa tabi ng highway ang van sanhi ng pag-iwas ng driver nito sa kasalubong na multicab na nakabanggaan nito. Wasak din ang multicab sanhi ng aksidente.

Mga menor-de-edad na basketball players ang sakay ng van na patungo sana sa bayan ng Bali­ngoan sa Misamis Oriental upang lumahok sa gaganaping Mindanao Youth Basketball League sa naturang bayan.

Limang kasama sa van ng mga nasawing sina Baclayon at Tedlos at 12 na basketball players sa van na nasangkot sa aksidente ang isinugod sa pagamutan ng mga emergency respon­ders upang malapatan ng lunas.

BUKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with