^

Probinsiya

Misis, 5 paslit nasagip sa ‘sex live’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Naaresto ang isang Telegram user sa sapilitang oral sex ng kaniyang dalawang paslit na anak at 3 menor-de-edad na pinsan sa live show, sa pagsalakay sa kaniyang bahay, sa Botolan, Zambales, ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), iniulat nitong Biyernes.

Sa direktiba ni NBI Director Judge Jaime Santiago, ikinasa ang entrapment operation ng NBI-National Capital Region (NCR) at matagumpay na nadakip ang ‘di pinangalanang suspek.

Nag-ugat ang operasyon sa intelligence report na isang Telegram account ang nagpapalabas ng sex live show ng batang babae na ang pinakabata ay 4-taon, kapalit ng $50 hanggang $150.

Natukoy na iniimbestigahan na rin ito ng Philip­pine Internet Crimes Against Children Center (PICACC), mula sa impormasyon ng National Crime Agency of the United Kingdom.

Nagawa ng NBI agents na magpanggap na kliyente at naipadala sa kanila ang video ng dalawang paslit na sapilitang ang oral sex sa isang lalaki. Iniaalok pa ng suspek sa asset ng NBI ang live show ng kaniyang 5-taon gulang na anak.

Gamit ang Warrant to Search Seize and Exa­mine Computer Data (WSSECD), na inisyu ng RTC Branch 70, Iba Zambales, dinakip ang suspek at naisalba ang asawa nito, dalawang batang anak at 3 pang kaanak na menor-de-edad. Nasamsam ng NBI sa bahay ng suspek ang iba’t ibang video nang pang-aabuso ng mga dayuhan sa mga bata; marijuana, drug paraphernalias, mga cellphones, GCash Visa card, X-Pay Quadx Visa card, Komo Visa card, Go Rewards debit card ng Union Bank, agreen card, Paymaya Visa card, at driver’s license.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with