28 pawikan pinakawalan sa kagaratan ng Quezon
LUCENA CITY, Philippines — Umaabot sa 28 Olive Ridley Sea Turtle ang pinakawalan ng Lucena City Agriculture Office katuwang ang Quezon Maritime Police Station at Barangay Bantay Dagat sa Barangay Talao-Talao, sa lungsod na ito kamakalawa.
Layunin ng aktibidad na ito na protektahan at mapanatili ang populasyon ng mga pawikan lalo’t higit kabilang ang mga ito sa mga endangered species sa bansa.
Malaki umano ang papel na ginagampanan ng mga pawikan sa ecosystem ng karagatan dahil ang presensya ng pawikan ay indikasyon ng isang malusog na karagatan, at ang kanilang pagkawala ay maaaring senyales ng ecological imbalance.
- Latest