^

Probinsiya

6 niratrat sa bisperas ng Pasko, 2 patay!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
6 niratrat sa bisperas ng Pasko, 2 patay!
Kinilala ang mga nasawi na sina alias “Crisel”, 26, at “EJ”, 19, habang sugatan sina alyas “Kesha”, 19; “June”, 26; “Edward”, 26, at “Mike”, 23.
Pixabay

MANILA, Philippines — Anim katao na nag-iinuman ang pinagbabaril na ikinasawi ng dalawa habang naaresto ng pulisya sa hot pursuit operation ang 9 sa 10 suspek kabilang ang isang pulis, sa naganap na karahasan sa isang compound sa Maddela, Quirino nitong bisperas ng Pasko.

Kinilala ang mga nasawi na sina alias “Crisel”, 26, at “EJ”, 19, habang sugatan sina alyas “Kesha”, 19; “June”, 26; “Edward”, 26, at “Mike”, 23.

Agad namang naaresto ang mga suspek na si alyas “Dave”, nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB)-15, Police Regional Office (PRO)-Cordillera; at mga kasamahang sina alyas “Marcos”, 35; “Waller”, 31; “Tirio”, 61; “Ramil”, 19; “Camilo”, 56; “Wyfred”, 36; “Jay-R”, 38; “Afran”, 21, habang sakay ng isang getaway vehicle sa Brgy. Palacian, Aglipay, Quirino, at nakatakas si alias “Hudson”, 23.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Maddela Police, nag-iinuman ang mga biktima sa isang establisimyento sa Barangay Villa Norte ng nasabing bayan nang dumating ang dalawang lalaki at nakipag-inuman din sa ibang mga kasamahan sa lugar.

Gayunman, makalipas ang ilang oras, tumayo ang dalawang lalaki at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima saka mabilis na tumakas sakay ng isang van.

Narekober ng awtoridad sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng caliber 9mm na baril.

Sa ikinasang hot pursuit operation, naaresto ng mga pulis ang 9 na suspek.

Narekober din ang van na ginamit ng mga suspek sa kanilang pagtakas.

BARIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with