^

Probinsiya

Driver kinatay ng 4 na kapitbahay sa araw ng Pasko

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Driver kinatay ng 4 na kapitbahay sa araw ng Pasko
Dead-on-the-spot ang biktimang si Dandy delos Santos, 49, ng Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal bunsod ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang ba­hagi ng kanyang katawan.
Pixabay

MANILA, Philippines — Patay isang tricycle driver sa araw mismo ng Pasko nang pagsasaksakin ng kanyang apat na kapitbahay kabilang ang isang gym instructor na sumugod sa harapan mismo ng kanyang tahanan sa Antipolo City, Rizal kahapon.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Dandy delos Santos, 49, ng Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal bunsod ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang ba­hagi ng kanyang katawan.

Samantala, tatlo sa mga suspek na pawang kapitbahay ng biktima ang nadakip ng mga awtoridad na nakilala lang sa mga alyas na “Richard”, 43, gym instructor; “Ric”,’ 47, machine operator; at “Kyle”, 22, habang nakatakas ang isa pa na si alyas “John”, 44, tricycle driver.

Lumilitaw sa ulat ng Antipolo City Police na dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa tapat ng tahanan ng biktima sa Tulips St., sa Sitio Bagong Buhay, Brgy. San Jose.

Habang nasa labas ng kanyang bahay ang biktima at nagbubukas ng pinto nang maya-maya ay bigla na lang nakarinig ang mga kaanak ng biktima ng sigawan sa labas.

Nang alamin kung ano ang nangyayari ay nakita umano nila ang apat na suspek, na nasa lugar, habang duguan nang nakabulagta at wala nang buhay ang biktima.

Isa umano sa mga suspek na si alyas “John” ang nakita nilang may hawak pa ng kutsilyo na tumatakas habang nagsipasok naman sa kani-kanilang tahanan ang iba pang suspek na tila walang nangyari.

Kaagad namang nag­report sa pulisya ang mga kaanak ng biktima na nagresulta sa pagkakadakip ng tatlo sa mga suspek.

Nagsasagawa na rin umano ang mga awtoridad ng manhunt operation upang maaresto ang isa pang suspek sa krimen.

RIZAL

ANTIPOLO CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with