MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-aalboroto ng Bulkang Kanlaon sa Negros.
Sa latest monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang bulkan ay nagtala ng 22 volcanic earthquakes, pagluwa ng 4,208 tonelada ng asupre at pamamaga ng bulkan.
Patuloy na inererekomenda ng Phivolcs ang paglikas sa mas ligtas na lugar ng mga nasa loob ng 6-kilometer radius mula sa tuktok ng bulkan.
Ipinagbabawal din ng Phivolcs ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dulot nang inaasahang biglaang pagsabog ng bulkan, pagbuga ng lava, pag-ulan ng abo, Pyroclastic Density Current (PDC), Rockfall at pagdaloy ng lahar kung may malakas na pag-ulan.
Ang Bulkang Kanlaon ay nasa ilalim ng alert status number 3 na nangangahulugan ng mataas na aktibidad ng naturang bulkan.