Babaeng nasa drug watchlist, niratrat

Sa ulat ng Antipolo Component City Police Station, dakong alas-6:50 ng gabi ng Disyembre 20, 2024 nang isagawa ang krimen sa Kaimito St, Purok 6, Zone 8, Brgy Cupang, Antipolo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 42-anyos na babae nang paulanan ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng ‘di pa tukoy na salarin, sa Antipolo City, Rizal Biyernes ng gabi.
Kinilala sa alyas na “Lanie”, may live-in partner, walang trabaho at residente ng Sampa­guita St., Peñafrancia Barangay Cupang, Antipolo City.

Sa ulat ng Antipolo Component City Police Station, dakong alas-6:50 ng gabi ng Disyembre 20, 2024 nang isagawa ang krimen sa Kaimito St, Purok 6, Zone 8, Brgy Cupang, Antipolo.

Sa imbestigasyon, habang naglalakad ang biktima ay biglang sumulpot ang gunman at pinagbabaril siya sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Tumakas ang lalaking suspek na nakasuot ng face mask at itim na sumbrero sa pagdaan sa maliit na eskinita.

Sa beripikasyon, ang biktima ay nasa listahan ng drug watchlist ng BADAC, sa Brgy. Cupang.

Ikinakasa na ang Oplan Cobweb laban sa suspek matapos makakalap ng mga pahayag sa iloang testigo at batay sa CCTV backtracking na isinagawa.

Show comments