COTABATO CITY, Philippines — Mahigit isang libong mga residente ng Datu Saudi Ampatuan sa probinsya ng Maguindanao del Sur ang nakinabang sa dental, medical at feeding mission ng mga ibat-ibang Army units nitong Martes.
Sa pahayag ni Major Gen, Antonio Nafarrete, commander ng 6th ID, magkatuwang ang 92nd Infantry Battalion, ang 1st Brigade Combat Team, ang mga unit ng 6th ID at ang manager ng Cotabato City branch ng Philippine Army Finance Center Producers Integrated Cooperative, si Gemma Deleña, sa naturang public service activity.
Ayon kay Nafarrete, mga residente na ngayon ay mapayapa ng mga Barangays Salbu, Elian, Dapiawan, Gawang, Kitango at Madia na dating may presensya ng mga lokal na teroristang grupo, ang nakinabang sa naturang outreach mission, pinangunahan ng mga tropa ng 92nd IB na pinamumunuan ni Lt. Col. Christian Cabading.
Maliban sa ilang daan na mga residente na nabigyan ng mga gamot para sa iba’t ibang karamdaman at nasuri ng mga dentista, natuli din ng libre ng Army medics ang 53 na mga batang lalaki sa naturang isang araw na humanitarian mission.
Ayon kay Nafarrete, 537 na mga batang Moro ang nasilbihan ng pagkain ng mga sundalo bilang bahagi ng kanilang outreach mission sa Datu Saudi Ampatuan na magkatuwang na sakop ng 6th ID at ng 92nd IB.