LUCENA CITY, Philippines — Nakamit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang “2024 Seal of Good Local Governance Award” ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Malugod na tinanggap nina Quezon Governor Doktora Helen Tan at Vice Governor Third Alcala nitong Disyembre 10 sa Tent City, Manila Hotel ang 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Governor Tan, ang nasabing pagkilala ay parte ng patuloy na paghahatid ng Good Governance na nakapaloob sa kanyang HEALING Agenda, kung kaya’t ang pagkakatanggap ng parangal ay isang patunay ng tunay at epektibong serbisyo para sa lalawigan ng Quezon.
“It’s a concerted effort of everyone, and it’s a proof that we are doing our best sa Capitol na ayusin lahat ang mga proseso at sistema,” saad ni Gov. Tan
Ang Seal of Good Local Governance ay ang pinakamataas na pagkilala na iginagawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan sa buong bansa.
Samantala, tumanggap din ng pagkilala ang bayan ng Pagbilao, Gumaca, Candelaria, Dolores, General Nakar, Real, Sampaloc at Mauban.