Barangay Chairwoman, mister tigok sa tandem
MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay chairwoman at mister nito matapos na pagbabarilin ng riding- in-tandem kahapon ng umaga sa Iloilo.
Idineklarang dead on arrival sa Passi City Hospital ang mga biktimang sina Brgy.Chairwoman Michelle Lapastora Lamela, 47 ng Brgy. Sto. Niño, Dueñas, Iloilo at mister na si Rodney Arellano Lamela, 48.
Sa report,bago nangyari ang insidente,alas-9:40 ng umaga kahapon sa Brgy. Tinucuan, Dueñas, Iloilo ay sakay ng motorsiklo ang mga biktima patungo sa bayan nang tabihan ng mga riding-in-tandem at pinababaril sa ulo at katawan ang mag-asawa.
Mabilis namang tumakas patungong Dingle, Iloilo ang mga suspek.Nasa limang basyo naman ng bala ang nakuha sa crime scene.
- Latest