Sen. Bong Go, ipinamahagi 1-buwang suweldo sa Cavite

CAVITE, Philippines — Bumisita si Senator Bong Go dito sa lalawigan at personal na namahagi ng tulong-pinansyal at kagamitan sa mga residente kahapon.

Sinorpresa ni Sen. Go ang mga Bacooreño at inanunsyo na ang kaniyang buong sahod ngayong buwan ay ipamamahagi nito sa mga benepisyaryo ng TUPAD at pamilyang nangangailangan.

Dumalo sa nasabing programa si Bacoor City Mayor Strike Revilla na nagpasalamat sa dalang ayuda ni Sen Go.

Unang binigyan ng tulong-pinansyal ni Sen. Go ang may 1,106 benepisyaryo ng programang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) sa naturang lungsod. Bawat benepisyaryo ng TUPAD ay nabibiyaan ng senador ng tig-P5,700.

Labing dalawang bagong Barangay Patrol cars din ang pinamahagi ng senador sa pamahalaang lungsod saka namigay ng mga groceries, bola, bisikleta, sapatos, relo at cellphone.

Katuwang nito sa pamamahagi si Senatorial candidate Philip Salvador, na namigay rin ng halagang P50,000 bilang pa-raffle.

Show comments