MANILA, Philippines — Napatay ang isang 54-anyos na lalaki habang sakay ng kanyang e-bike ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin sa kalsada sa Barangay Lingga, Calamba City, Laguna nitong Miyerkules ng umaga.
Si Emelito De Luna ay nagmamaneho ng kanyang e-bike papunta sa Aplaya Baywalk nang siya ay lapitan ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo, alas-10:00 ng umaga.
Ang isa sa mga gunmen, isang alyas na Mark ay positibong kinilala ng nag-iisang nakasaksi bilang umaatake kay De Luna.
Nakatakas ang mga salarin sakay ng isang itim na N-max na motor na patungo sa Barangay San Juan matapos ang pamamaril. Tinitingnan ng pulisya ang old grudge bilang isa sa mga motibo sa pagpatay.