PDEG chief binisita ang nasawi at sugatang mga pulis sa drug operation

MANILA, Philippines — Personal na binisita ni Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) director PBrig. Gen. Eleazar P. Matta ang labi ni Patrolwoman Roselyn Bulias matapos na masawi sa drug operation, sa PNP DEG SOU BARMM Headquarters sa Cotabato City nitong Sabado.

Napatay si Bulias sa isinagawang anti illegal drug operation laban sa drug syndicate sa Min­danao.

Kasama si  PBrig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PNP-BAR), iniuwi na ang labi ni Bulias sa kanyang hometown sa Tawi-Tawi. Ibinigay ni Matta ang lahat ng financial at burial assistance sa pamilya ni Bulias.

Samantala, nagtungo rin si Matta sa  Notre Dame Medical Center sa Cotabato City upang bisitahin ang mga sugatan na sina Patrolman Jonel Ramos, na nananatiling nasa ICU at Patrol­man Eddie ­Sugarol na nagpapagaling na sa ospital. Naglaan din ng tulong si Matta sa dalawang pulis.

Muli ring binisita ni Matta ang labi ni Police Corporal Kurt Sipin sa bahay nito sa Libungan, South Cotabato.

Ayon kay Matta, sina Bulias, Sipin, Ramos at Sugarol ay mga pulis na inalay ang buhay sa pagseserbisyo upang magam­panan ang kanilang tungkulin na masawata ang mg illegal activities sa kanilang nasasakupan.

Dagdag pa ni Matta, nagpaabot na rin ng tulong si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa pamilya ng nasabing mga pulis.

Show comments