HS stude namukpok, nanaksak ng basag na bote sa bilyaran
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Swak sa kulungan ang 18-anyos na estudyante matapos umanong hampasin at saksakin ng basag na bote ang kalaro sa kasagsagan ng larong bilyar sa San Jose Del Monte (SJDM).
Kinilala ang suspek na si Nonie Ocasla, high school student, habang ang biktima ay si Jhapet Gaspar, 21, kapwa residente ng Brgy. Sto. Cristo.
Sa report ng SJDM Police, bandang alas-11:00 ng umaga habang kasagsagan ng kanilang paglalaro ng bilyar sa may Brgy. Sto. Cristo, nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek.
Nauwi ang palitan ng salita sa pagpapambuno ng dalawa hanggang sa dumampot ng bote ng beer ang suspek at inihampas sa ulo ng biktima.
Kasunod nito, mabilis na isinaksak ng suspek ang hawak na basag na bote sa biktima na tinamaan sa gawing kaliwang katawan.
Dahil dito, humingi ng saklolo ang kaanak ng biktima sa mga barangay tanod na agad rumesponde sa lugar kaya nahuli ang suspek at isinuko nila sa pulisya.
Dinala ang duguang biktima sa ospital ng lungsod ng SJDM para sa paunang lunas habang ang suspek dinakip at nahaharap sa kasong frustrated homicide.
- Latest