MANILA, Philippines — Ligtas na sa highly-pathogenic avian influenza o birds flu ang lalawigan ng Cagayan.
Ito ay makaraang ideklara ng Department of Agriculture (DA) ang Cagayan province bilang birds flu free na ang naturang lalawigan matapos lumabas sa resulta nang ginawang ilang linggong monitoring at disease control operations na wala nang kaso ng naturang virus sa lugar.
“Our goal is to ensure the country has enough supply of food that is not only affordable but safe for public consumption. It is also our duty to protect the local poultry industry, which creates millions of jobs and generates billions in investments,” ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel.
Nailagay sa surveillance at close monitoring ang naturang lalawigan makaraang dumapo ang H5N1 strain ng bird flu virus sa mga gamefowl sa bayan ng Solana noong January 2023.
Ang Cagayan province ay bahagi ng bird migration path at ang Migratory bird species ay maaaring magdala ng bird flu virus.