4-araw housing caravan idinaos sa Bulacan

Dagsa ang mga dumalo sa pagbubukas ng 4-araw na Housing Caravan sa San Jose Del Monte City na pinangunahan ng mag-asawang Rep. Rida at Mayor Arthur Robes kamakalawa.

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Philippines — Pinangunahan ni Committee on Housing and Urban Development Chairperson Congresswoman Rida Robes ang pagbubukas ng 4-day Housing Caravan na may temang “Asensong Ramdam” sa Bulacan kahapon.

Kasama ng naturang komite, sa pakikipagtulungan ni City Mayor Arthur Robes, Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD), National Housing Authority (NHA), Home Development Mutual Fund (HDMF), Social Housing Finance Corporation (SHFC), at Human Settlements Adjudication Commission (HSAC), sinimulan ang caravan para lalo pang palakasin ng lungsod ang programang pabahay para sa kanilang mga mamamayan.

Ayon kina Rep. Robes at Mayor Robes, sa pamamagitan ng agresibong pagkilos ng lokal at national na pamahalaan ay matutugunan nito ang pangangailangang pabahay ng mga mahihirap na mamamayan.

Show comments