^

Probinsiya

Senglot nasyut sa kanal sa kalasingan, todas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakasubsob ang mukha at wala ng buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki na pinaniniwalaang nabagok ang ulo nito sa sobrang kalasingan, naganap ka­makailan sa Naga City.

Ang biktima ay isang 50-anyos at residente ng Purok Banaba A, Barangay Alpaco, Naga City.

Sa report ng Naga City Police Station, bandang 6:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa kanal ng kanyang kapitbahay sa nabanggit na lugar.

Bago ang insidente, nakitang buhay ang biktima noong Sabado Oktubre 27, 2024, na nakikipag-inuman sa kanyang kaanak at nang malasing ay nagpasya na itong umuwi sa kanilang bahay.

Subalit sa sobrang kalasingan ng biktima ay posibleng nahulog ito sa kanal at tumama ang ulo sa bato na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Isasailalim naman sa otopsiya ang bangkay ng biktima para malaman kung walang foul play sa naturang insidente.

NAGA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with