^

Probinsiya

Bulakenyos pinag-iingat sa dengue

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

BULAKAN, Bulacan, Philippines —  Nagpaalala ang kinauukulan sa publiko na mas gustong kagatin ng lamok na may dengue ay ang mainit na balat at taong kumikilos o gumagalaw.

Sa report ng Rural Health Unit dito kamakalawa, ang dengue ay isang sakit na naisasalin sa tao sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok.

Ayon sa report, ang nasabing babaeng lamok na tinawag na Aedes ay may dalang Dengue Virus (Infected Female Aedes Mosquito).

Nabatid na ang katangian ng lamok na Aedes ay mas gustong kagatin ang mainiit na balat, kumikilos o gumagalaw na biktima/tao at madalas umatake ito sa gilid at gawing likuran ng katawan.

Namamahay ang mga lamok na ito sa madidilim na lugar, nangingitlog sa hindi dumadaloy na tubig at nakakalipad lamang sa layong 50-300 metro mula sa pinangingitlugan.

Sinasabing mas mabilis ang kanilang pagdami ngayong tag-ulan dahil sa mga nagkalat na bagay na maaaring pamahayan.

AEDES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with