Quezon, isinailalim na sa state of calamity

LUCENA CITY, Philippines - Dahil sa lawak ng pinsalang iniwan ng bagyong Kristine partikular sa sektor ng agrikultura, tuluyan ng isinailalim sa state of calamity ang buong lalawigan ng Quezon.

Ang nasabing hakbang inaprubaahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon sa kanilang Special Session via Zoom, kamakalawa, Oktubre 25, 2024 pamamagitan ng Provincial Resolution No. 2024-274, “A Resolution declaring the Province of Quezon under a State of Calamity due to the widespread flooding, landslides, and damages caused by Severe Tropical Storm “KRISTINE” (International Code Name “TRAMI”).

Sa pamamagitan nito, mas mapapabilis ang paglalaan ng pondo mula sa Calamity Fund o Quick Response Fund ng pamahalaang panlalawigan para sa pagsasagawa ng relief operations at mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong mga mamamayan.

Nabatid na maglalabas ng P20 milyon ang pamahalaang panlalawigan para tugunan ang pinsalang idinulot ng bagyo.

Naunang nagdeklara ng state of calamity ang mga bayan ng Mulanay, Tagkawayan, General Luna at Lucban gayunman nang makumpleto ang ginawang assessment ng PDRRMO sa kabuuan ng lalawigan ay lumabas ang malawak na pinsala ng nakaraang bagyo.

Show comments