MANILA, Philippines — Isang 19-anyos na collede student ang inaresto matapos na mabisto ng mga awtoridad na siyang nasa likod ng bomb threat sa Cebu Technological University (CTU) main campus noong October 21, 2024.
Dahilan umano ng suspek na may pumuwersa lang sa kaniya na gawin ang pananakot pero hindi niya tinukoy kung sino.
Nag-aaral ng Early Childhood Education sa CTU main campus ang naturang estudyante matapos umanong magbago ang isip sa unang kinuhang Psychology program.
Lumabas sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation-Central Visayas Regional Office (NBI-CEVRO) at NBI-Manila Anti-Cybercrime Division, na gumamit ng pangalang “John Steve” ang suspek na 1st year student sa nasabing unibersidad.
Nag-post ang estudyante ng --“Hello Technologists! Bomb successfully planted. Say goodbye, CTU Main! You have approximately, 5 hours na lang I hope this will be a success” na nagviral sa socil media.
Nahaharap ang kolehiya sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 o Bomb Joke/Threat Law and Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.