^

Probinsiya

‘Utak’ sa pambobomba sa gym sa Marawi, timbog

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Nasa kustodiya na ng pulisya ang nagplano ng pambobomba sa isang misa sa Marawi City noong Disyembre 3, 2023 na nagresulta sa pagkamatay ng apat na Katoliko at pagkasugat ng 43 na iba pa.

Sa pahayag nitong Lunes ni Brig. Gen. Romeo Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, naaresto ang kasapi ng Dawlah Islamiya na si Arsani Membisa nitong nakalipas na linggo ngunit hindi nila ito agad isinapubliko upang makapaghanda muna ang pulisya at militar laban sa posibleng pag-atake ng kanyang mga kasamang maaa­ring papalag sa kanyang pagkaaresto.

Nasukol si Membisa sa Barangay Maria Cristina sa Iligan City ng magkasanib na mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at PRO-BAR, Iligan City Police Office at Lanao del Norte Provincial Police Office at kusang loob nang nagpaaresto nang pakitaan siya ng raiding team ng mga warrant of arrests mula sa isang korte kaugnay ng kanilang pagbomba sa isang misa sa loob ng isang gymnasium sa Marawi City, 10 buwan na ang nakakalipas.

Apat ang patay habang 43 na iba pa ang sugatan sa naturang pambobomba, gamit ang malakas na improvised explosive device (IED), na isinagawa ni Membisa at dalawang iba pa na una nang naaresto ilang linggo matapos maganap ang insidente.

Si Membisa ay kilalang miyembro ng Dawlah Islamiya, isang lokal na teroristang grupo na naghahasik ng hindi pagkakaunawaan ng mga Muslim at mga Kristiyano at itinuturong responsable sa mga pambobomba, mula 2014, ng mga bus at mga commercial establishments sa Central Mindanao na tumangging magbigay ng “protection money” ang mga may-ari. 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with