Bagong kasal na Kano, dinukot ng mga ‘pulis’

MANILA, Philippines — Isang American natio­nal ang dinukot ng umano’y nagpakilalang mga pulis sa Sitio Tungawan, Brgy. Poblacion, Sibuco, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang Amerikanong biktima na si si Elliot Onil Eastman.

Sa inisyal na ulat ni Police Regional Office (PRO) 9 Regional Director BGen. Bowenn Masauding, naganap ang pagdukot dakong alas-11 ng gabi.

Nakasuot ng itim na damit ang mga suspek na armado ng M16 rifle at nagpakilala umanong mga pulis.

Tinangka pang makatakas ng biktima subalit binaril umano ito sa binti ng isa sa mga suspek.

Ayon sa ulat, agad isinakay ng mga suspek sa bangka ang biktima papunta ng parteng Sulu at Basilan.

Si Eastman ay may asawang Pinay at limang buwan pa lamang sa bansa.

Patuloy ang hot pursuit operation ng PNP-Region 9 upang madakip ang mga suspek at masagip ang  biktima.

Show comments