^

Probinsiya

11 loose firearms isinuko sa military

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 11 loose firearms o mga baril na walang lisensya ang isinuko sa tropa ng militar mula sa mga re­sidente ng 11 Barangay sa ba­yan ng Guindulungan, Maguindanao del Sur kamakalawa na naglalayong maiwasan ang karahasan sa pagdaraos ng May 2025 midterm elections.

Ayon kay Lt. Col. Jerome Peñalosa, Commander ng 2nd Mechanized Battalion ng Philippine Army, ang pagsuko ng mga hindi lisensiyadong armas ay bunga ng mas pinalakas na kampanya hinggil sa Small Arms and Light Weapons (SALW) Ma­nagement Program.

Kabilang sa mga isinukong armas ay dalawang 12-gauge shotgun, dalawang Thompson, isang M203 launcher, dalawang M79 40mm grenade launcher, isang Ultimax caliber .30 rifle, at dalawang KG9 submachine gun na may mga magazine.

Ang mga armas ay iprinisinta ni Lt. Col. Peñalosa kay Brigadier General Oriel Pangcog, Commander ng 601st Brigade, sa isang turnover ceremony na pinangunahan ni Hon. Midpantao Midtimbang Jr., Municipal Mayor ng Guindulungan, katuwang ang mga pulisya, SB Member (Committee on Peace and Order), at mga Barangay Chairperson ng Guindulungan, sa pangunguna ni Hon. Datu Sapak Midtimbang, ABC President. Ang se­remonya ay ginanap sa Senior Citizen Building, Municipal Compound sa bayan ng Guindulungan.

Nanawagan naman si Brig. Gen. Pangcog sa iba pang mga local government unit (LGU) na sundan ang halimbawa ng Guindulungan LGU upang masugpo ang pagkakaroon ng loose firearms at maiwasan ang anumang karahasang dulot ng paggamit ng mga ito.

vuukle comment

MAGUINDANAO DEL SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with