16-anyos minartilyo ni kuya habang tulog, todas!

Dead-on-arrival sa ospital si “Jay” habang patuloy na inoobserbahan dahil sa maselang kalagayan ang kanyang ina na si Elma Carcosia, 53; kapwa residente ng Barangay Fatima, General Santos City.

Nanay kritikal

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 16-anyos na binatilyo habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang ina matapos silang pag­hahatawin ng martilyo sa ulo habang natutulog ng nakatatandang kapatid ng una sa loob ng kanilang tahanan sa General Santos City nitong Linggo ng umaga.

Dead-on-arrival sa ospital si “Jay” habang patuloy na inoobserbahan dahil sa maselang kalagayan ang kanyang ina na si Elma Carcosia, 53; kapwa residente ng Barangay Fatima, General Santos City.

Agad namang nadakip ang suspek na si Jessie Carcosia, 30.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nangyari ang insidente bandang alas-11:30  ng umaga ng Oktubre 13 sa Zone 6, Block 6, Barangay Fatima, General Santos City.

Lumilitaw na pinaghahataw ng martilyo ni Jessie ang kanyang sariling ina at kapatid sa ulo habang natutulog ang mga biktima.

Napag-alaman na dumaranas ng “mental disorder” si Jessie bago pa man nangyari ang krimen.

Show comments