MANILA, Philippines — Ibinulgar ni Sultan Kudarat Governor Datu Pax Ali Mangudadatu na ang proyektong “Lab For All” outreach program ni First Lady Liza Araneta-Marcos (LAM) ang umano’y isa sa mga paraan nang panggigipit ni Special Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo sa kanilang lugar.
Ayon kay Mangudadatu, wala umanong kinalaman ang “Lab for All” ng Unang Ginang dahil para ito sa publiko at mga taga Sultan Kudarat.
Una nang inalmahan ni Mangudadatu at ama nitong si Suharto “Datu Teng” Mangudadatu, dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Secretary ang panggigipit ni Lagdameo.
Aniya, ginagawa umano lahat ni Lagdameo ang panghaharass at panggigipit para sila ay maipit at maipanalo nito ang kanyang mga manok para sa darating na 2025 elections.
“Kung kaya niyang ipa-kansel ang walang kapoli politikang Lab For All na project ni FL Lisa Marcos, eh di mas kaya niyang duruin ang mga LGU execs” ani Datu Pax.
Nagpahayag ng pagkabahala ang gobernador sa umano’y pangingialam ni Lagdameo sa BARMM
Paraan umano ito ni SAP na iparamdam sa kanila na kahit na walang kamalay-malay na proyekto ng Unang Ginang ay kaya nilang ikansela para ipamukha na sila ay mas makapangyarihan sa lahat.