Sa ‘pakikipagsabwatan’ sa fixers…
MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ni Land Transportation Office (LTO) chief Vigor D. Mendoza ang district office head ng LTO Bustos, Bulacan kaugnay ng umano’y pakikipagsabwatan sa mga fixers sa tanggapan.
Ayon kay Mendoza, si Carlito Calingo ay papalitan sa puwesto ng kanyang deputy na si Rachel Farin na tatayong bagong pinuno ng LTO Bustos habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong administratibo hinggil dito.
Si Calingo ay nahuli kamakailan nang bumagsak sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) nang hingan ng fixer ang poseur applicant ng NBI ng P700 halaga kapalit ng mabilis na proseso ng transaksyon sa LTO.
Sinabi ni Mendoza na bukod kay Calingo, dalawa pang district office chiefs ang kanilang iniimbestigahan dahil sa malawakang operasyon ng mga fixers sa kanilang area of responsibility.