Titser kinatay ng 14-anyos dalagita!

Dead-on-the-spot ang guro na kinilala sa alyas “Datu”, residente ng Purok Montivelle, Barangay EJC Montilla, ng nasabing lungsod.

MANILA, Philippines — Isang lalaking guro ang patay nang pagsasaksakin ng 14-anyos na dalagita, kamakalawa sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Dead-on-the-spot ang guro na kinilala sa alyas “Datu”, residente ng Purok Montivelle, Barangay EJC Montilla, ng nasabing lungsod.

Hawak naman na ng pulisya ang 14-anyos na dalagita, residente ng Columbio, Sultan Kudarat.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, alas-10 ng umaga nitong Lunes nang makatanggap ng tawag ang Tacurong City Police Station hinggil sa pangyayari.

Agad na rumesponde ang mga pulis at dinatnan nila ang biktima na naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay, gayundin ang suspek.

Sa pagsisiyasat ng SOCO, nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima sanhi ng kanyang agarang kamatayan

Nakatakdang i-turn-over ng pulisya sa tanggapan ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang suspek habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa krimen.

Show comments