Abogada hulog sa gusali

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ang pulisya ang pagkamatay ng isang abogada na umano’y nahulog mula sa isan ika-16 na palapag ng isang high-rise commercial building sa Cebu City nitong ­Biyernes ng hapon.

Sa report kay Mabolo Police Station chief, PMaj Romeo Caacoy, bandang 1:00 ng hapon nitong Biyernes nang matagpuan ang lasug-lasog na katawan ng abogada sa ground floor ng commercial building sa Bohol St., sa nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakita umanong nahulog ang biktima mula sa ika-16 na palapag ng gusali at namatay noon din, ayon sa first-aid responders.

Kinumpirma naman ni Caacoy na isang abogada ang biktima ngunit hiniling na huwag ibunyag ang kanyang pagkakakilanlan dahil hindi pa ipinapaalam sa mga kaanak nito ang nangyaring trahedya.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya kung mayroong foul play sa nangya­ring aksidente.

Show comments