Tindahan ng fried chicken hinoldap ng dating empleyado

Arestado ang suspek sa isinagawang follow-up ng Bacoor Police na kinilala sa alyas John, 23, dating kawani ng nasabing tindahan at residente ng Green Park Villas 1, Brgy. Malagasang 2-C, Imus City, Cavite.

MANILA, Philippines — Hinoldap ng da­ting empleyado ang kaniyang dating pinagtatrabhuan na Chooks to go at tinangay ang perang laman ng kaha, kamakalawa ng gabi sa Brgy Habay 1 Bacoor City.

Arestado ang suspek sa isinagawang follow-up ng Bacoor Police na kinilala sa alyas John, 23, dating kawani ng nasabing tindahan at residente ng Green Park Villas 1, Brgy. Malagasang 2-C, Imus City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:57 ng gabi nang maganap ang insidente nang  dumating ang suspek at pumasok sa Chooks-To-Go sa Brgy. Habay branch at agad nitong nilapitan ang cashier na si Kimberly Ventura at tinutukan nito ng kutsilyo.

Dinala nito sa ­re­s­troom ang biktima at ikinulong bago kinuha ang lahat ng pera sa kaha na aabot sa mahigit kumulang sa P30,000 bago mabilis na tumakas sakay ng pulang Toyota Rush na  may plakang NFH3437.

Napag-alaman na dating empleyado ang suspek na tinanggal ng kompanya.

Show comments