Punong barangay dedo sa lumipad na motorsiklo

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival ang isang punong barangay nang lumipad ang minamaneho nitong motorsiklo kahapon ng umaga sa Kabacan, Cotabato.

Kinilala ang biktimang si Arnel Kabamlan Wagia, 61, may-asawa at residente ng Barangay Aringay, Kabacan, Cotabato.

Sa report ng Kabacan Municipal Police Station, bandang alas-10:05 ng umaga nang maganap ang insidente sa kalsadang sakop ng Purok Masagana Intersection Poblacion Kabacan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang Honda beat motorcycle ng bigla na lamang itong nawalan ng kontrol sa manibela.

Posibleng anyang napiga ng biktima ang gasolinador hanggang sa lumipad ito at nasagi ang isang motorsiklo saka ito bumagsak sa sementadong kalsada.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima, su­balit nalagutan din ng hininga habang nilalapatan ng lunas sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Show comments