Mister naburyong, bahay sinunog sa Bulacan

BULAKAN, Bulacan, Philippines — Arestado ang 40-anyos na mister matapos umanong sunugin sa pamamagitan ng used oil ang kanilang sariling bahay sa Brgy. Bambang ng nasabing ba­yan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Estrabel Pantanilla, may-asawa, jobless, residente ng Purok 5, Brgy. Bambang.

Sa report, naganap ang insidente bandang ala-1:30 ng hapon nitong Lunes.

Ayon sa report, sinabu­yan ng used oil ng suspek na sinasabing naburyong ang paligid ng bahay nito saka sinindihan sanhi ng sunog.

Dumating naman agad ang mga bumbero kaya mabilis naapula ang sunog at walang naitalang nasaktan sa nasabing insidente.

Dahil sa pagkabigla sa nagyari ng nakababatang kapatid ng suspek na si Hervin, 31, binata, hindi pa siya makausap ng awtoridad upang matantiya nila ang kabuuang nasirang mga ari-arian.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na nahuli ng mga opisyal ng barangay at kalauna’y isinuko sa himpilan ng pulisya.

Show comments