^

Probinsiya

Tandem umatake sa Quezon Province, motorista utas

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Pinaulanan ng punglo hanggang sa mamatay ang isang rider ng dalawang hindi nakikilalang salarin sa barangay road ng Sitio Ibaba, Barangay Kinatigan 2 sa bayang ito, kamakalawa ng hapon. 

 Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Henry Olazo 42, binata ng Barangay Pahinga Sur.

Inilarawan naman ng mga saksi ang mga suspek na nakasuot ng kulay yellow green na T-shirt at jacket na kapwa tumakas matapos isagawa ang krimen. 

Ayon kay PLt. Col. Alexis Oliver Nava, chief of police sa bayang ito, binabagtas ng biktimang sakay ng Rusi motorcycle ang barangay road dakong alas-4:20 ng hapon ng harangin ng mga suspek saka pinaulanan ng punglo na agad nitong ikinamatay.

Inatasan na ni Lt.Col.Nava ang kanyang mga ope­ratiba na tugisin ang mga salarin at alamin ang motibo sa pamamaslang sa biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with