Mag-asawa, anak na paslit todas sa sunog

Kinilala ang mga nasawi na sina Rogelio Solis Jr., 46; misis nitong si Kristine, 52, kapwa negosyante; at anak nilang si Maria Miyakiel Koreen, estudyante pawang residente ng nasabing lugar.
STAR/File

BULAKAN, Bulacan-Bulacan, Philippines — Kalunos-lunos ang sinapit ng isang mag-asawa at kanilang 8-anyos na babaeng anak matapos aksidenteng masunog ang kanilang bahay, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rogelio Solis Jr., 46; misis nitong si Kristine, 52, kapwa negosyante; at anak nilang si Maria Miyakiel Koreen, estudyante pawang residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-3:00 ng madaling araw ay mahimbing na natutulog ang pamilya sa loob ng kanilang  bahay nang biglang magkaroon ng sunog at hindi na nakalabas ang mga biktima.

Gawa sa kahoy at bato ang nasabing bahay at may nangu­ngupahan na tindahan ng ebike.

Sinasabing ilang minuto ang lumipas ay nagtulong-tulong ang mga bumbero ng Bulakan at kalapit bayan kaya naapula kalaunan ang sunog.

Ayon kay FO1 Mike Santos, Arson investigator, nasa P1milyong piso ang tinatayang halaga ng tinupok ng apoy.

Show comments