Trike driver tinangay ng agos sa ilog, nalunod

LUCENA CITY , Philippines — Pinaniniwalaang dahil naalimpungatan pa mula sa pagkakatulog ay hindi nagawang makatawid sa ilog ng isang tricycle driver kung kaya’t tuluyang itong nalunod at namatay kamakalawa ng umaga sa Purok Karachi, Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito.

Bandang alas-6:00 na ng umaga nang natuklasan ng mga residente ang walang buhay na katawan ng biktima na palutang lutang sa ilog na kinilalang si Rozel John Mercado, 38, may live-in partner ng nasabing lugar.

 Ayon kay Barangay Kagawad Jun Buenaflor, gawain na ng biktima na sunduin sa trabaho ang kanyang ka-live in at tumatawid ito sa hindi naman kalalimang ilog.

Hinala ng mga imbestigador, maaaring kagigising pa lamang ng biktima at habang nasa kalakasan ng ulan ay sinubukan nitong tumawid sa ilog, subalit dahil sa lakas ng agos ng tubig ay tinangay ito at humampas ang mukha sa malalaking bato na naging sanhi upang mawalan ng uli­rat at malunod.

Show comments