MANILA, Philippines — Isang dalawang taong gulang na babae ang nasawi nang bagsakan ng debris matapos gumuho ang kanilang bahay dahil sa malakas na hangin sa Barangay Taluksangay, Zamboanga City nitong Sabado ng umaga.
Base sa lokal na pamahalaan na dinala pa sa ospital subalit hindi na ito umabot nang buhay.
Nagresulta rin ang masamang panahon sa lungsod sa power interruption na nakaapekto sa ilang lugar.
Hanggang alas-3:00 ng hapon nitong Sabado, mahigit 1,000 pamilya ang inilikas mula sa flood-hit barangays.
Kabilang sa mga barangay ang Tumaga, Guiwan, Pasonanca, Putik, San Jose Gusu, Tugbungan, Taluksangay, Sta. Maria, at Tetuan.