2 dalaga nagtalo, 1 dedo

MANILA, Philippines — Isang 19-anyos na dalaga ang iniwang bangkay sa kalsada matapos na saksakin sa likod ng isang 32-anyos na dalaga na kanyang nakatalo kahapon ng madaling araw sa Tanza-Trece Martirez Road, Brgy. Sanja Mayor, Tanza, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Christel Hermosa Maumay, 19, residente ng Brgy. Daang Amaya 3,Tanza Cavite.

Naaresto naman ng pulisya ang suspek na kinilala sa alyas Julie, 32, residente ng Brgy. Sanja Mayor, Tanza Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-2:00 ng madaling araw nang matagpuan duguan ang biktima na nakahandusay sa kalsada.

Batay sa nakasaksi sa nakita niyang nagtatalo ang biktima at suspek na kung saan sa pagtalikod ng una ay dito na ito inundayan ng saksak ng huli.

Sa follow-up ng pulisya agad din itong naaresto ang suspek at narekober ang duguang patalim na ginamit sa krimen, Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo at relasyon ng biktima at suspek.

Show comments