PMA Class 1984 ‘Araw ng mga Bayani’ reunion

Ang PMA Class of 1984 reunion kasabay ng anunsyo ng pagtanggap bilang honorary member, kay Orlan Mauricio (ika-9 mula kanan), newsman ng Manila Standard, sa San Fernando, Pampanga, kamakailan.
Photo: Raisel Albano

MANILA, Philippines — Muling nagtipon ang Philippine Military Aca­demy Class of 1984 para sa ‘National Heroes Day Reunion’ at ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang dalawang mistahs - retired-Generals Manny Prieto at Mike Perez.

Ayon kay ret. Gen. Ronald Estilles, pangulo ng Maharlika Class ‘84, nagsimula ang masayang pagtitipon sa isang tee-off sa Beverly Place Golf Club at nagpatuloy sa luncheon party na hinanda sa tahanan ni ret.-Gen. Richard Albano sa San Fernando, Pampanga.

Nagkaron din ng birthday cake-blowing party kung saan ipinahayag ni Estilles ang pagtanggap kay Manila Standard newsman Orlan Mauricio (9th from right) bilang honorary member ng Maharlika Class ‘84.

Show comments